Kamara pagbobotohan kung ire-revoke ang Martial Law proclamation

International News Metro News National News News & Update

Pagbobotohan sa mababang kapulungan kung ire-revoke o hindi ang pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law at pagsuspindi ng privilege of writ of habeas corpus sa buong Mindanao.

 

    Inanunsiyo ito ni Majority Leader Rodolfo Fariñas, isang araw bago ang nakatakdang briefing ng security officials sa mga miyembro ng Kongreso kaugnay ng situwasyon sa Marawi City.

 

    Ani Fariñas, magpupulong ang Kamara bilang committee of the whole House ngayong Lunes para pag-aralan ang isinumiteng report ng pangulo at pagkatapos ay pagdedesisyonan kung ire-revoke nila ang proklamasyon ng Martial Law sa Mindanao.

 

    Sakaling hindi naman aniya makitaan ng Kamara o Senado na dapat i-revoke ang naturang proklamasyon ay walang mangyayaring joint session.

 

    Nakasaad sa Section 18 ng Article 8 ng Konstitusyon na maaaring i-revoke ng Kongreso ang deklarasyon ng Martial Law.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *