Maute binigyan ng credential para maging miyembro ng ISIS nang ideklara ang Martial Law – Alejano

International News Metro News National News News & Update

Mistula umanong binigyan ng pagkilala ng gobyerno ang rebeldeng Maute nang magdeklara ng Martial Law ang Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.

    Sinabi ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano na ang karahasan ng grupo sa Mindanao ay bahagi ng kagustuhan ng Maute na makakuha ng accreditation mula sa international terrorist group na ISIS.

    Sa pagkadeklara ng Martial Law, ayon kay Alejano ay mistulang binigyan ng pamahalaan ng credential ang Maute upang makilala sa international stage.

    Dapat aniyang tratuhing lawless elements ang Maute na kailangang sugpuin sa pamamagitan ng combat operation.

    Hindi rin aniya nararapat na tawaging ISIS ang Maute dahil parang kinikilala na rin ito na miyembro ng international terrorist group kahit na hindi pa ito itinuturing ng ISIS na sangay nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *