Mga senador ibi-briefing sa situwasyon sa Marawi

International News Metro News National News News & Update

Magbibigay ng briefing ang security officials sa mga senador kaugnay ng situwasyon sa Marawi City bago pagdesisyonan kung dapat bang i-revoke ang pagdedeklara ng Martial Law sa Mindanao.

 

    Pangungunahan umano nina Defense Sec. Delfin Lorenzana, National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr. at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Eduardo Año ang briefing sa mga senador.

 

    Pero ayon kay Senador Panfilo Lacson, kung hindi sisipot ang mga opisyal ay posibleng hingin nila sa Kamara na mag-joint session para pag-usapan ang posibleng pag-revoke sa deklarasyon ng pangulo.

 

    Bagama’t pag-uusapan ng Senado ang report ni Duterte kaugnay ng Martial Law sa Mindanao, iginiit ni Lacson na hindi mandatory na magsagawa ng joint session.

 

    Aniya, magko-convene lamang ang Senado at Kamara kung may pormal na mosyon para i-revoke ang Martial Law proclamation.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *