Price freeze sa Zamboanga City aprubado na ng lokal na gobyerno

International News Metro News National News News & Update

Nilagdaan ni Zamboanga City Mayor Maria Isabel Climaco Salazar na siyang namumuno sa local price coordinating council (LPCC) ang resolusyong nag-uutos ng price freeze sa basic at prime commodities sa lunsod.

    Kasunod ito ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng   Martial Law sa buong Isla ng Mindanao.

    Base sa Republic Act 7581, ang sinumang lalabag sa price freeze ay papatawan ng kaparusahan na pagkakakulong na hindi bababa sa isang taon at hindi rin sosobra sa sampung taon.

    Pero puwede namang magpiyansa na hindi bababa sa limang libong piso at ‘di rin sosobra sa isang milyong piso.

    Sa ngayon ay nagsimula nang mag-inspeksiyon ang monitoring team ng LPCC sa mga local market kasama na ang east at west coast area markets sa lunsod.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *