Russian tourists inaasahang darating sa Pilipinas — Teo

International News Metro Manila Metro News National News News & Update

Inaasahan ng Department of Tourism (DOT) ang pagdating ng Russian tourists sa Pilipinas.

    Ito ay matapos lagdaan ng Pilipinas at Russia ang umano’y ‘milestone’ tourism cooperation agreement sa napaikling official visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kremlin.

    Sinabi ni DOT Sec. Wanda Teo, interesado ang mga Russian sa pagbisita sa Pilipinas pero concern sila sa kaligtasan at seguridad nila sa mga pupuntahang destinasyon.

    Ayon kay Teo, ang nilagdaang kasunduan ay pagpapakita sa kumpiyansa ng Moscow sa kakayahan ng gobyerno ng Pilipinas na maresolba ang peace and order issues.

    Ang tourism agreement ay isa sa siyam na bilateral agreements na nilagdaan ng dalawang bansa.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *