‘Surgical airstrikes’ sa Marawi City dadagdagan ng AFP

International News Metro Manila Metro News National News News & Update

Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines na kanilang pupulbusin ang puwersa ng Maute terror group na nakapuwesto sa Marawi City.

    Sinabi ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, dahil ayaw umano ng Maute group na sumuko ay dadagdagan pa ng AFP ang kanilang ‘surgical airstrikes’ para agad malinis ang lunsod at agad matapos ang rebelyon.

    Layon umano ng militar na maging malaya na ang Marawi City para sa pagdiriwang ng mapayapang Ramadan sa mga Muslim na sumuporta sa mga sundalo laban sa teroristang grupo.

    Hiniling ng heneral ang pang-unawa ng publiko sa kanilang isasagawang hakbang para maisakatuparan ang kanilang misyon at maiwasan ang pagkawala nang mas marami pang buhay ng mga inosente sa rehiyon.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *