Unang araw ng Ramadan sa Maguindanao tahimik

International News Metro News National News News & Update

Tahimik at payapa ang unang araw ng pagsisimula ng Ramadan sa buong Lalawigan ng Maguindanao kasabay ng implementasyon ng Martial Law.

    Ito ang inihayag ni Mayor Zam Ampatuan ng Rajah Buayan, Maguindanao.

    Sinabi ng alkalde na walang pagbabago sa isinasagawang pag-aayuno at pagdarasal ng mga Muslim dahil nasanay na rin sila na hindi na nagpapagabi sa daan.

    Aniya, bago pa man ang alas-10:00 ng gabi na curfew hour ay tapos na rin sila sa pagdarasal sa mga mosque at umuwi na sa kanilang mga bahay.

    Bukod dito, suportado naman umano ng mga Muslim sa Mindanao ang idineklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *