US Embassy muling nagpaalaala sa kanilang mga kababayan

International News Metro News National News News & Update

Nagpaalaala ang United States Embassy sa Maynila sa kanilang mga mamamayan ukol sa pinaigting na seguridad sa Metro Manila kasunod ng bakbakan sa Marawi City.

 

    Sa isang pahayag, sinabi ng embahada na naka-full alert ang Philippine National Police (PNP) sa Metro Manila at nag-deploy rin ng unit ng militar sa Quezon City para tumulong sa PNP sa security operations.

 

    Ipinaalaala rin nito sa US citizens ang worldwide cautions na nangangahulugang may banta ng terorismo at karahasan laban sa mga Amerikano sa abroad kabilang ang Pilipinas.

 

    Pinayuhan ng embahada ang US citizens na mag-ingat samantalang nasa Pilipinas.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *