Hinihinalang Abu Sayyaf naaresto sa Zamboanga

Regional

Naaresto ng Zamboanga City Police ang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na nahaharap sa patung-patong na kaso sa Sulu.

Naaresto ang suspek na kinilalang si Kimhar Asusi alyas “Abu Kimar” sa Zamboanga Seaport matapos makatanggap ng intelligence report na patungo itong Zamboanga City.

Base rin sa impormasyon, isa si Asusi sa nakaengkuwentro ng tropa ng militar sa Indanan, Sulu.

Nakuha sa bag ng suspek ang hiwa-hiwalay na bahagi ng granada.

Todo-tanggi naman si Asusi na miyembro ito ng ASG.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *