Kaanak ng Maute group, nasa Metro Manila na — NCRPO

National News

Kinumpirma ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na may mga kaanak ang grupong Maute na nagtungo rito sa Metro Manila.

 Pero ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde, hindi naman nangangahulugang mga radikal ang mga kaanak ng mga ito na lumuwas dito sa Kamaynilaan.

 Base umano sa kanilang monitoring, walang ginagawang anumang karahasan ang mga ito.

 Sinabi naman ni Albayalde na aktibo ang kanilang intelligence posture.

 Nananatili rin aniya ang kanilang full alert level sa Metro Manila sa kabila ng walang namo-monitor na banta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *