Lacson idinepensa si Duterte sa isyung lalabagin ang SC at Kongreso para sa Martial Law

International News Metro News National News News & Update

Ipinagtanggol ni Senador Panfilo Lacson si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kritiko nito.

    Ito ay matapos ihayag ni Duterte na susuwayin nito ang Korte Suprema at Kongreso para sa Martial Law declaration.

    Ayon kay Lacson, hindi pa nasasanay ang ilan kay Pangulong Duterte kung seryoso o nagbibiro lamang ito sa mga pahayag sa publiko.

    Aniya, isang abugado at dating prosecutor ang pangulo kaya alam nito at hindi gagawin ang pagbalewala sa Saligang-Batas.

    Sinabi pa ni Lacson na sinunod naman ni Duterte ang proseso ng pagsusumite ng report sa Kongreso bago ang itinakdang apatnapu’t walong oras matapos ang pagdedeklara ng Batas- Militar sa buong Mindanao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *