Mga opisyal ng PDEA binalasa

International News Metro News National News News & Update

Nagpatupad ng balasahan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa matataas na opisyal ng ahensiya.

 

    Ayon kay PDEA Direcotr General Isidro Lapeña, magandang paraan ang balasahan para maging flexible at adaptable ang isang organisasyon.

 

    Nilinaw naman ni Lapeñas na hindi ito parusa at wala ring kinalaman sa competence ng mga apektadong opisyal.

   

    Ilan sa mga itinalaga sa bagong posisyon ay sina Director Bryan Babang bilang superintendent sa PDEA Academy, Director Aillen Lovitos bilang regional director ng PDEA Regional Office 13 at Director Gilbert Buenafe bilang bagong director ng Special Enforcement Service.

 

    Itinalaga naman bilang regional director ng PDEA Regional Office- Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) si Director Juvenal Azurin at inilagay naman na regional director ng PDEA Region 3 si Director Ismael Fajardo, Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *