NPA, MILF kaisa umano ng gobyerno laban sa Maute terror group

International News Metro Manila Metro News National News News & Update

Wala pang tugon ang Communist Party of the Philippines
(CPP) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa alok sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumali sa gobyerno para labanan ang Maute terror group.

 

    Pero sa isang pahayag, sinabi ni Luis Jalandoni, chief peace negotiator ng National Democratic Front (NDF) na tutol sila sa Maute at kaisa sila ng gobyerno sa paglaban dito at sa Abu Sayyaf.

 

    Samantala, sinabi naman ng MILF na kailangan munang magpulong ng kanilang central committee para pag-usapan ang naturang alok ng pangulo.

 

    Una nang sinabi ng MILF na makikipag-ugnayan sila sa gobyerno at tutulong sila sa mga apektado ng gulo sa Marawi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *