Pagtanggi ng Kamara na mag-joint session kinastigo

National News

Kinastigo ng House Independent Minority bloc ang pamunuan ng Kamara sa pagtanggi nitong mag-convene para talakayin ang Martial Law sa Mindanao na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 Tinawag ni Albay Representative Edcel Lagman ang nasabing hakbang ng Kamara na tahasang paglabag sa mandato na nakasaad sa Konstitusyon.

 Nakasaad aniya sa Saligang- Batas na dapat ay magkaroon ng joint session ang Senado at Kamara para pagbotohan ang Martial Law.

Pero hindi na umano sila maghahain pa ng resolusyon dahil sa ibabasura rin ito ng liderato ng mababang kapulungan.

 Posible aniyang kuwestiyunin nila ang deklarasyon ng Martial Law sa Korte Suprema.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *