Palasyo nagpasalamat sa suporta ng Senado sa Martial Law

National News

Nagpasalamat ang Malacañang sa suporta ng Senado sa idineklarang Martial Law sa Mindanao.

Pero tikom ang bibig ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa isyu kung dapat magkaroon ng joint session para talakayin ang naturang deklarasyon.

Gayunman, iginiit ni Abella na kailangan nila ng tulong ng kabuuan ng gobyerno para maging epektibo ang Batas-Militar at maibalik sa normal ang situwasyon sa Mindanao.

Labinlimang senador ang nagpahayag ng pagsuporta sa idineklarang Batas-Militar sa Mindanao.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *