PNP chief planong i-deploy sa Marawi City ang police scalawags

International News Metro Manila Metro News National News News & Update

Plano ni Philippine National Police  (PNP) Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa na ipadala sa Marawi City ang police scalawags.

    Sinabi ni Dela Rosa na maaaring makatulong ang nasabing mga pulis sa isinasagawang operasyon laban sa mga teroristang Maute.

    Umapela si Dela Rosa sa police scalawags na magbagong-buhay at gumawa ng mga hakbang para makatulong sa pamahalaan.

    Samantala, hiniling naman ng mga sugatang pulis kay Dela Rosa na huwag pabayaan ang pamilya ng mga ito samantalang ang mga ito ay nakaratay sa mga pagamutan at ang iba ay patuloy pa ring nakikipaglaban.

    Naging emosyonal ang heneral samantalang ikinukuwento ang bilin ng mga sugatang pulis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *