Poe kinuwestiyon ang bilyong pisong intel funds ng AFP

International News Metro Manila Metro News National News News & Update

Kinuwestiyon ni Senadora Grace Poe kung paano ginamit ang bilyong pisong intelligence fund ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng bakbakan sa pagitan ng militar at Maute group sa Marawi.

 

    Ayon kay Poe, malinaw na ‘failure’ sa intelligence ng AFP ang nangyaring kaguluhan sa Marawi dahil hindi agad nila natukoy ang pag-atake ng Maute at ni wala man lang ibinigay na babala.

 

    Sinabi pa ni Poe na maging ang palasyo ay tila walang alam sa mangyayari at na-caught off guard pa maging ang pangulo na nasa state visit.

 

    Sa ilalim ng 2017 General Appropriations Act (GAA), naglaan ng P5.48 bilyon ang Kongreso sa confidential at intelligence fund (CIF) samantalang may pondo ring P2.5 bilyon ang Office of the President para rito.

 

    Una nang bumuo ng oversight committee sa CIF ang Senado pagkaraan ng magkakasunod na pagpapasabog sa Quiapo, Maynila.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *