Tiger Woods inaresto dahil sa pagmamaneho nang lasing

International News Metro Manila Metro News National News News & Update

Inaresto ng mga awtoridad sa South Florida si dating world number one golfer Tiger Woods dahil sa pagmamaneho nang nakainom.

 

    Pasado alas-tres umano ng umaga nang maaresto ang 41-anyos na golf legend malapit sa kanyang bahay sa Jupiter Island.

   

    Pansamantalang ikinulong si Woods at pinalaya rin matapos ang ilang oras.

 

    Magugunitang dumanas nang matinding pananakit ng katawan si Woods matapos na sumailalim sa operasyon pero tiniyak niyang hindi pa siya titigil sa paglalaro ng golf.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *