Turismo sa Bohol humina dahil sa ASG

Regional

Humina ang turismo sa Bohol mula Enero hangang Abril ngayong taon, kung ikukumpara sa kaparehong panahon noong 2016.

Sa datos ng Provincial Tourism Office ng Bohol, nasa 167, 789 na turista lamang ang nagpunta sa Bohol mula Enero hanggang Abril kumpara sa 331, 527 noong nakaraang taon.

Ang naturang pagbaba, ayon kay Tourism Officer Jo Cabarrus ay epekto ng pagpasok ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa probinsiya noong nakaraang buwan.

Binubuo naman ngayon ang “Balik- Bohol Program” na layuning manghikayat sa mga tursita na bisitahin ang Bohol sa Sandugo Festival sa Hulyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *