Walang Pilipinong nadamay sa pagsabog sa Kabul, Afghanistan — DFA

National News

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong nadamay sa malaking pagsabog sa Kabul, Afghanistan.

Ito ang tiniyak ni Foreign Affairs Acting Spokesperson Robespierre Bolivar kasunod ng pagkasawi ng 80 katao samantalang 300 naman ang nasugatan.

Sinabi rin ni Bolivar na tinututukan na rin ngayon ng Embahada ng Pilipinas sa Islamabad ang situwasyon sa lugar dulot ng pag-atake.

Naganap ang pagsabog malapit sa isang foreign embassy, kung saan ay target ng hinihinalang truck bomb na pasabugin ang diplomatic quarter na malapit sa government offices at embassies.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *