4 na menor-de-edad nasagip mula sa online child pornography

National News

Apat na menor-de-edad kabilang ang isang dalawang taong gulang na bata ang nasagip mula sa online child pornography syndicate sa Iligan City.

Arestado sa joint operation ng Philippine National Police – Women Children Protection Center Mindanao field office (PNP-WCPC), Special Weapons and Tactics (SWAT), International Justice Mission at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 10 ang limang suspek sa Barangay Saray.

Ayon sa mga awtoridad, European nationals ang regular na kliyente ng mga sindikato.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act, Anti-Child Pornography at Cybercrime Law ang mga suspek.

Ibinigay naman sa pangangalaga ng Social Welfare Office sa Iligan ang nasagip na mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *