Alok na tulong ng US sa Marawi operation tinanggihan ng pamahalaan

National News

Muling tinanggihan ng Gobyerno ng Pilipinas ang alok na tulong ng Estados Unidos.

Nilinaw ni Department of National Defense Sec. Delfin Lorenzana na hindi na kailangan ang assistance ng US military sa operasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa Maute terror group sa Marawi City.

Binigyang-diin ni Lorenzana na sapat naman ang ginagamit na equipment para ma-contain ang Marawi incident.

Ayon kay Lorenzana, nag-alok ang US ng long range aircraft pero masyadong maliit para sa Marawi.

Inamin naman ni Lorenzana na patuloy pa rin ang assistance ng US sa pamamagitan ng kanilang drones at ‘shadows’ na ginagamit sa intelligence gathering.

Pero hanggang Zamboanga lamang daw ang operasyon ng kanilang ‘shadows’ dahil masyadong malayo ang Marawi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *