Bodega ng BOC nasunog

National News

Sumiklab ang malaking sunog sa bodega ng Bureau of Customs (BOC) sa Port Area, Maynila.

Pasado alas-9:00 kagabi nang mag-simula ang sunog at agad na itinaas sa ikalimang alarma dahil sa mabilis na paglaki ng apoy.

Naglalaman umano ang naturang bodega ng mga nakumpiskang damit o ‘ukay-ukay.’

Patuloy namang inaalam ngayon ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog at halaga ng pinsala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *