Ekonomiya ng ibang ASEAN countries posibleng mahigitan ng Pilipinas dahil sa tax reform

National News

Posibleng mahigitan umano ng ekonomiya ng Pilipinas ang iba pang bansa sa Southeast Asia dahil sa panibagong sistema sa pagbubuwis na isinusulong ng Duterte Administration.

Ayon kay ASEAN fund manager for Samsung Asset Management Alan Richardson, magiging attractive raw sa investors ang reporma sa buwis ng pamahalaan.

Makatutulong aniya ito para makatuntong ang stock market ng Pilipinas sa 8,000 o kahit 9,000-point level.

Maaari raw na magkaroon ng 15-percent return sa investment potential na mas mataas kumpara sa Singapore at Malaysia.

Samantala, naniniwala naman si Richardson na magkakaroon ng negatibong epekto ang nangyayaring bakbakan ngayon sa pagitan ng tropa ng gobyerno kontra-Maute group sa Marawi City.

Paliwanag pa niya, ang terorismo ay maituturing na global threat at hindi lamang nangyayari sa Pilipinas.

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *