Isang bahagi ng Pasay City isinara dahil sa 'RWM attack'

Metro News

Isang bahagi ng Pasay City ang isinara sa motorista dahil sa nangyaring pag-atake sa Resorts World Manila (RWM).

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sarado ang Manlunas Street dahil sa patuloy na isinasagawang imbestigasyon sa Remington, Maxims at Marriott Hotel.

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa Sucat Road o EDSA sa halip na sa Andrews Avenue para maiwasan ang matinding trapiko sa bisinidad ng RWM.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *