NBI bukas sa pagtulong sa pag-aresto sa mga sangkot sa Marawi siege

National News

Nakahandang tumulong ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pamahalaan, lalo na sa pagpapatupad ng arrest warrant sa mga sangkot sa pag-atake sa Marawi City kasunod ng deklarasyon ng Martial Law.

Ang mga maaaresto ay isasailalim sa imbestigasyon at kailangang masampahan ng reklamo sa loob ng tatlong araw sa piskalya.

Ginawa ng NBI ang pahayag kasunod ng pagpapalabas ni Martial Law administrator at Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ng unang arrest order.

Sa inilabas na Arrest Order No. 01 na may petsang Mayo 29, 2017, aabot sa sandaan at dalawampu’t limang indibidwal ang ipinaaaresto para sa kasong rebelyon at hinihinalang konektado sa gulo sa Marawi City at iba pang bahagi ng Mindanao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *