Pagsasagawa ng airstrikes at pambobomba laban sa Maute dapat ikonsidera

Regional

Hinimok ni Magdalo Rep. Gary Alejano si Department of National Defense (DND) Sec. Delfin Lorenzana na muling ikonsidera ang pagsasagawa ng airstrikes at pambobomba sa Marawi City.

Ito ay upang maiwasan na umano ang nangyaring ‘misfire’ na ikinasawi ng labing-isang sundalo.

Iginiit ng kongresista na maliban sa posibilidad na magkaroong muli ng ‘friendly casualties,’ pinsala sa mga pag-aari ng mga taga-Marawi ang maaaring idulot din ng airstrikes at pambobomba.

Umapela rin si Alejano na kaagad imbestigahan ang nangyaring ‘misfire’ upang matukoy kung ano ang tunay na sanhi nito.

Magugunitang sa dalawang Marchetti 260 trainer jets, accurate na naitama ng una ang bomba sa target na kalaban pero sa pangalawa’y nagkaroon ng pagkakamaling tumama sa tropa ng gobyerno sa ground.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *