Pagtatalaga ng sundalo at pulis sa gobyerno dinepensahan ni Duterte

National News

Dinepensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon niyang magtalaga ng mga dating militar at pulis sa key positions sa gobyerno.

Ayon kay Duterte, seryoso kasi at nauutusan nang matino ang mga sundalo.

Sinabi pa ng pangulo na kahit ang mga sinundan niyang presidente na sina Gloria Arroyo at Noynoy Aquino ay nagtalaga rin naman ng mga uniformed personnel sa pamahalaan.

Idinagdag pa ni Duterte na nagiging tamad sa trabaho ang ibang career officers.

Una nang binatikos ng grupo ng government employees si Duterte dahil sa umano’y militarisasyon sa burukrasya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *