Palasyo sa RWM attack: 'Isolated robbery incident'

Metro News

Binigyang-diin ng Malacañang na ‘isolated robbery incident’ lamang ang nangyaring pag-atake sa Resorts World Manila (RWM).

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na patay na ang nag-iisang gunman.

Inabisuhan din ni Abella ang publiko na iwasang magtungo sa nasabing lugar.

Nirerekober na ang mga sugatan sa nangyaring stampede na gagamutin naman ng emergency medical services at ng mga kalapit na ospital.

Nagsasagawa naman na aniya ng room-to-room clearing ang mga pulis at Special Action Force (SAF) para matiyak na na-rescue ang lahat ng nasa gusali nang mangyari ang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *