Panibagong video propaganda ng ISIS lumitaw sa social media

National News

Isa na namang video ang lumitaw sa social media kaugnay ng ongoing na bakbakan ng militar at Maute group sa Marawi City.

Sa naturang video, makikita ang dalawang patay na tao sa loob ng isang wasak na Armored Personnel Carrier (APC).

Ini-upload ng nasabing video ng Amaq News Agency Facebook page na pinaniniwalaang minamantina ng ISIS.

Ayon kay Lt. Col. Jo-Ar Herrera, tagapagsalita ng 3rd Infantry Brigade, bina-validate pa nila ang mga propaganda ng mga terorista sa social media.

Patuloy naman aniyang ginagawa ng militar ang kanilang makakaya para masagip ang mga na-trap na sibiliyan sa naturang siyudad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *