Puganteng Korean-American na si Jun No balik-kulungan na

National News

Nadakip na ang Korean-American na si Jun No na tumakas sa East Avenue Medical Center sa Qezonu City noong Abril, kung saan siya na-confine matapos sumailalim sa acute appendicitis operation.

Ito ang kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos maaresto ng mga miyembro ng Task Force Anti-Illegal Drugs sa isang computer shop sa Barangay Tetuan sa Zamboanga City kahapon ng alas-11:30 ng umaga.

Agad namang ibabalik sa Maynila si Jun No kasama ang mga arresting officer ng NBI.

Ididiretso si Jun No sa NBI headquarters at agad siyang isasailalim sa booking procedure at pansamantalang idedetine samantalang hinihintay ang ipalalabas na commitment order ng Pasay City Regional Trial Court.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *