RTVM nagsorry sa umereng pelikula sa FB live

Metro News

Nag-sorry ang Radio-TV Malacañang (RTVM) sa isang foreign film na aksidenteng naipalabas sa Facebook live ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ngayong araw.

Ilang segundong umere ang nasabing pelikula sa gitna ng pagsasagawa ng test sa equipment set-up.

Nangyari ang aksidenteng pagpapalabas ng pelikula ilang minuto bago magsimula ang pulong-balitaan sa Malacañang.

Nangako naman ang RTVM na patuloy nilang aayusin ang kanilang broadcast documentation at coverage kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nananatili rin umano silang committed sa misyong maghatid nang mas malawak na balitaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *