4 na bansa tinuldukan ang diplomatic ties sa Qatar

International News

Apat na bansa ang tinapos na ang diplomatic ties sa Qatar matapos akusahang ‘destabilizer’ sa rehiyon.

Ayon sa Saudi Arabia, Egypt, Bahrain at United Arab Emirates (UAE), suportado ng Qatar ang mga teroristang grupo gaya ng Islamic State.

Binigyan ng UAE ang mga Qatari diplomats ng 48 oras para umalis ng kanilang bansa.

Suspindido na rin ang lahat ng flights ng Etihad Airways papunta at palabas ng Doha, Qatar.

Ayon naman sa Bahrain, nakikialam sa panloob na isyu ng kanilang bansa ang Qatar.

Ang mga ito ay kaalyado ng Amerika.

Samantala, hinimok naman ni US Secretary of State Rex Tillerson ang nasabing mga bansa na ayusin ang problema sa pamamagitan ng dayalogo.

Pinalagan naman ng Qatar ang hakbang na ito ng apat na karatig na bansa dahil wala umano itong batayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *