MMDA, handang magbigay ng libreng sakay vs transport caravan

Metro News

Handa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mag-deploy ng mga sasakyan para sa mga maaapektuhan ng protesta ng transport group na Piston.

Ani MMDA Chairman Danilo Lim, naka-alerto sila sa posibleng maging epekto ng tigil-pasada.

Naka-monitor din aniya ang ahensya para sa mga lugar na nangangailangan ng sasakyan.

Nag-deploy rin ang mmda ng mga karagdagang traffic enforcer sa mga lugar na malapit sa eskwelahan para sa unang araw ng pasukan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *