Sen. Leila De Lima, idinawit ni Aguirre sa RWM attack

National News

Mistulang idinawit ni Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre II ang nakakulong na si Senadora Leila De Lima sa nangyaring pag-atake sa Resorts World Manila (RWM) noong Hunyo 2.

Natuklasan umano kasi ni Aguirre na noong 2014 ay naglabas si De Lima ng legal opinion na nagsasabing hindi sakop ng Fire Safety Law at regulations ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga casino tulad ng RWM.

Sa halip, sinabi umano ni De Lima na tungkulin na ito ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

Ang RWM ay matatagpuan sa Newport  City Cybertourism Econonomic Zone sa Pasay City.

Ayon kay Aguirre, kaduda-dudang nagkaroon ang DOJ ng ganoong klaseng legal opinion gayong malinaw naman na walang kakayahan ang PEZA na magpatupad ng fire laws sa bansa.

Ito aniya ang dahilan kung bakit naging lax o hindi nakatugon sa pag-apula ng sunog sa loob ng naturang casino.

Iniutos na ni Aguirre ang pagsasagawa ng parallel investigation kaugnay ng naturang pag-atake sa casino na ikinasawi ng 38 katao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *