SSS, handang ayudahan ang RW victims

Metro News

Handa ang Social Security System (SSS) na tumanggap ng aplikasyon mula sa SSS members na nabiktima ng insidente sa Resorts World attack sa Pasay City na kumitil sa tatlumpu’t walo katao.

Ayon sa SSS, naglagay sila ng dalawang help desks sa puneraryang pinagdalhan sa mga nasawi sa insidente para tumanggap ng claims applications ng mga namayapang miyembro ng SSS.

Nais ng SSS na maglagay ng help desk sa Resorts World pero hindi pa ito pinapayagan sa ngayon ng pamunuan nito.

Ang mga nasugatan naman sa insidente na dinala sa San Juan de Dios at Pasay General Hospital ay na­bigyan na ng SSS forms para sa pagkuha ng kaukulang claims para sa kanilang pagpapagamot.

Nabatid na may labintatlong empleyado ng Resorts World Manila at Marriot Hotel at dalawampu’t dalawang guests ang nasawi sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *