China policy ni Duterte, dinepensahan ng Malakanyang

National News

 Dinepensahan ng Malakanyang ang polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikipag-ugnayan sa China sa gitna ng maritime dispute sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ang kasalukuyang polisiya ng administrasyon pagdating sa pakikipagrelasyon sa China ay para mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon at mapabuti ang economic cooperation.

Ginawa ni Abella ang pahayag bilang tugon sa paratang ni Supreme Court (SC) Senior Associate Justice Antonio Carpio na walang ginagawa si Pangulong Rodrigo Duterte para igiit ang karapatan ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo.

Sinabi naman ni Abella na nirerespeto ni Duterte si Carpio at sinisiguro ng pangulo na ang mga polisiya ng administrasyon ay para maprotektahan ang soberanya ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *