Lungsod ng Maynila, ‘Worst Place in South East Asia’

Metro News

Nanguna ang Lungsod ng Maynila sa ‘Worst Place in South East Asia’ batay sa survey na isinagawa ng travel guide na South East Asia Backpacker.

Ayon sa survey, ang polusyon, kakulangan sa imprastraktura, kaligtasan at overcrowding ang mga dahilan kung bakit itinanghal na ‘worst place’ ang lugar sa rehiyon.

Nakakuha ang Maynila ng labimpitong boto.

Gayunman, binigyang-pansin naman ng mga turista ang pagiging magiliw ng mga tao sa lunsod.

Pasok din sa listahan ang Cebu City na umani ng anim na boto dahil sa polusyon, maingay at walang kultura sa lugar maliban sa nagkalat na malls.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *