Alvarez, nagbantang pupunitin ang anumang direktibang ilalabas ng SC sa hirit na mag-convene ang Kongreso

National News

Nagbanta si House Speaker Pantaleon Alvarez na pupunitin niya ang anumang Supreme Court (SC) order na mag-uutos sa Kongreso para mag-convene sa isang joint session para rebyuhin ang idineklarang Martial Law sa Mindanao.

Ani Alvarez, hindi mandato ng Korte Suprema ang pag-uutos nito sa Kongreso.

Nagbabala rin ng constitutional crisis si Alvarez kung maglalabas ng direktiba ang Korte Suprema gayong co-equal branch ito ng gobyerno.

Iginiit din ni Alvarez na hindi na kailangan pa ng joint session dahil mayorya naman ng mga mambabatas ang sumusuporta sa Martial Law.

Si Alvarez ay isa sa mga respondent sa kasong inihain sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa desisyon ng Senado at Kamara na huwag mag-joint session.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *