Ama ng Maute brothers, 3 iba pa inilipat na sa Maynila

National News

Dinala na sa Maynila ang apat na miyembro ng Pamilya Maute na una nang naaresto sa isinagawang checkpoint sa Toril, Davao City.

Sakay ng military plane, dinala ang ama ng Maute brothers na si Cayamora Maute, anak na si Norjanna Maute at asawa nitong si Benzar Tingao at ang ikalawang asawa ni Cayamora na si Kongan Alfonso Balawag.

Sinasabing ililipat ang mga ito sa Camp Bagong Diwa, kung saan ay nakadetine ang high-value prisoners.

Bago ibiniyahe papuntang Maynila, isinailalim muna ang apat pati na ang driver na si Aljun Salazar Esmael sa inquest proceedings sa Davao City Police Office (DCPO) headquarters.

Napag-alamang gagawing witness si Esmael laban sa apat na akusado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *