Draft bill para sa bagong BBL, naisapinal na

National News

Naisapinal na ng Bangsamoro Transition Commission (BTC) ang draft ng Bangsamoro Basic Law (BBL) at inaasahang maisusumite ito sa Kongreso sa pagbabalik- sesyon nito sa Hulyo.

Ayon kay government peace panel Chairperson Irene Santiago, naisapinal na ang draft noong Martes, Hunyo 6.

Target naman nilang maisumite ang draft bill kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kalagitnaan ng Hunyo para malagdaan.

Umaasa si Santiago na gagawing priority bill ni Duterte ang Bangsamoro draft bill at babanggitin ito ng pangulo sa  ikalawang State of the Nation Address (SONA) nito.

Ang pagpasa ng BBL para sa kapayapaan sa Mindanao ay isa sa mga pangako ni Duterte noong panahon ng kampanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *