Paglipat kay Cayamora Maute sa Maynila dahil sa posibleng rescue plots — militar

National News

Nailipat na sa Maynila ang ama ng dalawang lider ng Maute group na si Cayamora Maute kasunod ng pagkakaaresto nito sa isang checkpoint sa Davao City.

Ayon kay Eastern Mindanao Deputy Commander Brigadier General Gilbert Gapay, Martial Law spokesperson for Mindanao, inilipat si Cayamora dahil sa security reasons, lalo na’t itinuturing itong ‘high-value’ at ‘high-risk’ detainee.

Posible kasi aniyang i-rescue ng magkapatid na Omar at Abdullah Maute ang kanilang ama, kung saan ay nagawa na rin ng ISIS-inspired group noon ang pagliligtas sa kanilang mga miyembro na nakulong.

Gayunman, wala pa aniya silang natatanggap na balita kaugnay ng planong pagliligtas dito.

Una nang kinumpirma ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasa Maynila na ang Matandang maute at apat pa nitong kasamahan na naaresto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *