Special lane para sa transport cooperatives sa bansa, pinagbigyan ng LTFRB

Metro News

Mapadadali na ang lahat ng transaksiyon ng transport cooperatives sa buong bansa sa alinmang tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay Vic Balao ng National Federation of Transport Cooperative, mayroon nang special lane at window para sa transport cooperatives sa lahat ng opisina ng LTFRB.

Layon nitong mapabilis ang transaksiyon ng transport cooperatives sa nasabing ahensiya.

Aniya, inaasahang maipatutupad ito sa lahat ng tanggapan ng LTFRB sa buong bansa.

Samantala, hihilingin din ng grupo sa LTFRB na magkaroon sila ng sariling terminal dahil napakamahal umano ng ibinabayad nila sa iba’t ibang malls sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *