Buong probinsiya ng Eastern Samar, mawawalan ng kuryente bukas

Regional

Makararanas ng power interruption ang buong probinsiya ng Eastern Samar bukas, Hunyo 10.

Kabilang sa apektadong distribution utility ang  Eastern Samar Electric Cooperative, Inc. (ESAMELCO).

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), simula alas-sais ng umaga bukas hanggang alas-singko ng hapon ay mawawalan ng kuryente dahil sa isasagawang maintenance activities sa Paranas-Taft-Boronga-Quinapondan 69kV Line.

Tiniyak naman ng NGCP na gagawin ang lahat upang maibalik nang mas maaga o sa itinakdang oras ang suplay ng kuryente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *