Malacañang, hinikayat ang CPP-NPA-NDF na tumulong sa gobyerno laban sa mga terorista na walang kondisyon

National News

Hinikayat ng Malacañang ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na kusang tumulong sa gobyerno laban sa mga teroristang nasa Mindanao na walang kaakibat na kondisyon.

Ginawa ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang pahayag kasunod ng pahayag ni NDF negotiating panel Chairman Fidel Agcaoili na tutulong lamang sila sa laban ng gobyerno sa mga terorista kung babawiin ang all-out war policy at Martial Law declaration sa Mindanao.

Sinabi ni Abella, para patunayang sinsero sila bilang partner tungo sa kapayapaan, dapat titindig ang mga komunista laban sa terorismo na walang anumang kondisyon.

Una nang hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga rebeldeng sumama sa mga sundalo ng gobyerno para labanan ang Maute terror group matapos tanggapin ang naging alok ni Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari na kunin ang nasa dalawang libo niyang tauhan bilang ‘integrees’ at isabak laban sa mga terorista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *