Pagdawit kay Sen. Aquino sa umano’y meeting sa Marawi, binawi na ni DOJ Sec. Aguirre

National News

Binawi na ni justice secretary Vitaliano Aguirre II ang pahayag na kasama sa umano’y pulong ng mga mambabatas na maka-oposisyon si senador bam aquino na naging mitsa umano ng pag-atake sa Marawi.

Sa isang statement, sinabi ni aguirre na wala sa umano’y meeting na ginawa umano noong Mayo a-dos si Aquino.

Dagdag pa ni Aguirre, sa isinagawang beripikasyon ay napag-alaman niyang nagtungo ng Marawi si Aquino noong Mayo a-disi nwebe para i-promote ang Go Negosyo program.

Nabatikos si Aguirre sa rebelasyong ito maging sa ginamit na litrato para pagtibayin ang kanyang pahayag na ayon naman sa mga ulat ay kuha pa noong nakaraang 2015.

Itinanggi naman ni Aguirre na galing sa kanya ang nasabing litrato.

Sinabi naman ni Aquino na tinawagan siya ni Aguirre para humingi ng paumanhin pero hindi pa naman ito kinukumpirma ng kalihim.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *