Public apology ni Aguirre, hinihintay ni Senador Aquino

National News

Humingi na ng paumanhin si Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre kay Senador Bam Aquino sa pagdadawit nito sa senador sa nangyayaring gulo sa Marawi.

Ayon kay Aquino, tinawagan siya ni Aguirre para humingi ng paumanhin at nangako rin umano itong magkakaroon ng public apology.

Naniniwala si Aquino na pulitika ang dahilan sa pagdadawit sa kanila ni Aguirre sa nagpapatuloy na Marawi clash.

Dismayado rin ang senador sa aniya’y pagpatol ni Aguirre sa ‘fake news,’ lalo pa’t opisyal ito ng bansa.

Pinag-aaralan na umano niya at ng iba pang mambabatas na Oposisyon ang imbestigasyon sa Senado o kaya’y pagsasampa ng kaso laban kay Aguirre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *