Tulong ng NPA vs terror group, hindi kakagatin ng DND

National News

Hindi bukas ang Department of National Defense (DND) sa alok ng Communist Party of the Philippines (CPP) na patulungin ang New People’s Army (NPA) sa operasyon ng pulisya at militar laban sa grupong Maute.

Paliwanag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, itinuturing nilang terorista ang NPA kaya hindi nila matatanggap ang alok.

Kung tatanggapin kasi aniya nila ang naturang alok ay para na rin nilang kinilalang may iba pang armed force at police force bukod sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Mas gusto naman aniya nila na sumuko na lang ang mga NPA sa gobyerno kaysa sa makialam pa sa problema sa Marawi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *