10 marines na nasawi sa Marawi City, ginawaran ng full military honors

National News

Ginawaran ng full military honors at nagdaos ng isang misa sa Marine Headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig para sa sampung marines na nasawi sa bakbakan sa Marawi City.

Dumalo sa pagbibigay-pugay si Vice President Leni Robredo at mga pamilya at mga kasamahan sa trabaho ng mga nasawi.

Binigyan din ang mga nasawing miyembro ng Philippine Marines ng military merit medal.

Maliban dito, bibigyan din ng scholarship grant at tulong- pinansiyal ang mga pamilya ng mga nasawing marines.

Nagkaroon naman ng public viewing para sa mga opisyal at miyembro ng Philippine Marines at iba pang mga bisita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *