Aerial patrol ng US aircraft sa Marawi, bahagi ng MDT — AFP

National News

Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na bahagi ng existing defense agreement ng Pilipinas at United States ang ginawang aerial patrol ng US surveillance aircraft sa Marawi City.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año, nagsagawa lamang ng ‘agreed to action activities’ ang naturang aircraft alinsunod sa isinasaad sa Mutual Defense Treaty (MDT).

Ginawa ni Año ang pahayag makaraang mamataan ang US Navy P-3 Orion na lumilipad sa Marawi City.

Tiniyak naman ni Western Mindanao Command (WesMinCom) Chief Major General Carlito Galvez, Jr. na bagama’t nagbibigay ng technical assistance ang US ay puro Pilipino ang lahat ng mga sundalong nasa ground.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *